Ilang lugar sa QC mawawalan ng tubig mula Hulyo 26 hanggang Hulyo 27

tubig

MAWAWAWALAN ng tubig ang maraming lugar sa Quezon City mula alas-9 ng gabi sa Hulyo 26 (Martes) hanggang alas-5 ng hapon sa Hulyo 27 (Miyerkules), ayon sa Maynilad.
Sa isang advisory na ipinadala ng Maynilad sa Bandera, sinabi nito na kabilang sa mga apektadong mga lugar ay ang Barangay Talipapa, Bagbag, Sauyo, San Bartolome, Greater Fairview, North Fairview, Gulod, Sta Lucia, Holy Spirit, Batasan Hills, Commonwealth, Payatas at Bagong Silangan na pawang nasa Quezon City.
“This is due to a maintenance activity along Commonwealth Avenue, Quezon City. We apologize for the inconvenience,” sabi ni Maynilad.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-ipon na ng tubig.

Read more...