Sana’y vigilante ako

MAGING ang mga durugista ay may karapatan ding mahasikan ng binhi ng Salita ng Diyos. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Jer 1:1, 4-10; Slm 71; Mt 13:1-9) sa ika-16 na linggo ng taon. Pero, paano sila mahahasikan kung sila’y walang Diyos, di tumatawag sa Diyos at ayaw magbalik-loob sa pamamagitan ng kumpisal?

Biktima ng “red tape” si GMA dahil may hawak na alas ang aso laban sa kanyang mga tuta. Kapag sinuway nila ang aso, ang alas na ito ay gagamitin para maagang mabang-aw ang mga tuta. Nagpatuta sila at forever na yan dahil sa hawak na alas ng aso (talinhaga? Marami yan sa Ebangehlyo). Sino ngayon ang matalino? Ang aso o ang tuta?

Ipinagtatanggol ko, hanggang ngayon, si Don Vito Corleone. Ayaw niyang may nang-aapi sa lipunan. Natutuwa si Don Vito kapag ang demonyo ay lumuluhod sa kanya bago patayin. Kung demonyo nga ang lumuhod sa akin ay di ko na siya bibigyan ng pagkakataong tumayo (sa Ebanghelyo, ang demonyo ay pinalayas ni Jesus sa tao, lumipat sa mga baboy, tumalon sa burol at nalunod sa dagat).

Sa isip, nais kong burahin ang lahat ng durugista’t tulak, pulis man o sibilyan. Mahigit 100 tao’t pamilya ang nabibiktima ng bawat durugista o tulak. Burahin ang lahat na durugista’t tulak na nasa laylayan! Sa mga kabahayang nasa paligid ng aking higaan, halos gabi-gabi na ang may pinapatay at binibilang ko ang tap, double tap at pagitang segundo sa mga putok. Klap-klap-klap.

Nakita ko kung paano sila nakapaminsala sa taumbayan at sa mismong pamilya’t kamag-anak nila. Sa lupon sa barangay, Moro’t Kristiyano ang biktima’t suspek. Ngayon, kagawad, lupon at tanod ang durugista na rin. Ako’y retirado, tulad ni Charles Bronson. Di ko kayang makipagsuntukan sa mga ito. Pero, tulad ni Bronson, sa gatilyo ay makakamit ang makalupang hustisya. Makasalanan ang isip, pero sa puso, ayaw kong pumatay.

Yan ang nangyari kina Cardinal Vidal, Soc Villegas, atbp., sa pagdalaw kay Digong. Para sa mga opisyal ng simbahang Katolika, tama ang misyon ni Digong kontra droga, krimen. Pero, hindi nila sinabi kay Digong na “Huwag kang papatay.” Isinantabi nila’t di binanggit ang paraan ni Digong kontra krimen. Pero, kailangang masugpo na ang droga’t krimen. Yehey.

Strike 3: Digong out? Strike 1, trapik. Strike 2, NAIA. Strike 3, baha’t basura sa Metro Manila. At marami pa. Hindi kayang lutasin, o remedyuhan, ni Digong dahil siya’y promdi (promdi rin ang VP, at bakit may trust rating na siya gayung wala pa siyang nagagawa?). Promdi (prom Mendiola) rin ang karamihan na nasa poder.
Kung idol ni Digong si FM, dapat may kalibreng-Virata, Ongpin, O.D. Corpuz ang nasa paligid niya.

Bakit tahimik ang IBP at Philconsa sa pinapatay na mga tulak sa laylayan ni Robredo? Ang sagot ng aking schoolmate na batikang criminal at defense lawyer: biktima rin silang mga abogado ng gurlis-kotse sa parking na protektado ng batas ni Kiko Pangilinan. Dalawampung abogado ang tinanong ko. Sagot: milyung piso ang ginasta sa pagbili ng sasakyan, gagasgasan lang ng mga bangag at batang-Pangilinan?

MULA sa bayan (0916-5401958): Si Sen. Helena Benitez ay namatay sa edad na 102. Binigyan ba siya ng incentive-recognition na P100,000, tulad ng ibinibigay ni Binay sa Makati sa mga centenarian? …9987, Barangay Kasilawan, Makati.

Sana dalawin naman ni Bato ang Romblon. Maraming durugista rito. Pulis at sibilyan. …0659

Read more...