Kailan magkakabahay at lupa?

Sulat mula kay Winnie ng Luyag, Carmen, Cebu City
Dear Sir Greenfield,
Matagal na kaming nagsasama ng aking asawa at may apat na kaming anak. Ang problema ay wala pa rin kaming sariling lupa at bahay. Ngayon ay nangungupahan lang kami kaya lalo tuloy kaming naghihirap. Bagamat nasa abroad ang mister ko, nag-uumpisa pa lang kaming mag-ipon para kahit maliit lang ay magkaroon kami ng sariling lupa at bahay nang hindi na nangungupahan. Itatanong ko lang kung sa kabila ng ganitong sitwasyon ng buhay namin, sapat-sapat lang ang kinikita ni mistser, may pag-asa pa kaya kaming magkaroon ng sariling lupa at bahay? February 14, 1980 ang birthday ko at October 8, 1979 naman ang mister ko.
Umaasa,
Winnie ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Straight o tuwid naman ang malinaw na Head Line (Illustration 1. 1-1arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t patuloy lang kayong nagsisikap na makaipon, sa bandang huli, makakaipon din kayo ng sapat na halaga hanggang sa kusa na ring matupad ang pangarap mong sariling lupa at bahay.
Cartomancy:
King of Hearts, Nine of Diamonds at Three of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tatlong taon mula ngayon, walang duda, makakaipon na kayo ng saktong halaga upag makabili ng lupa at mapatayuan ng sarili ninyong dream house.
Itutuloy

Read more...