ALWAYS good vibes lang sa set ng GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story kaya naman looking forward lagi ang members ng cast na magtrabaho.
Kuwento nga ng mga bida sa programa na sina Heart Evangelista at Dennis Trillo, parang pamilya na ang turingan nila sa set ng Kapuso serye dahil close na close na sila sa isa’t isa. Parang hindi nga raw sila nagtatrabaho sa taping dahil ang gaan-gaan lang ng vibes sa paligid.
Sa pagpapatuloy naman ng kuwento tonight ng Juan Happy Love Story, magkakasama muli sina Juan, Kyle at Glenn. Sasabihin ni Juan na type niya si Pia, pero ginagamit lang niya itong front para hindi pagdudahan ni Agatha na may namamagitan sa kanila ni Happy.
Magkasama sina Juan at Agatha sa parking lot nang tawagan ni Happy ang asawa. Nami-miss na raw siya ni Katkat. Magsisinungaling si Juan kay Agatha at iiwan ito para pagbigyan ang bata. Dahil sa laging may kausap si Juan, magdududa na si Agatha.
Mapipilitan namang halikan ni Juan si Happy nang makita niyang kausap nito si Didith. Affected si Happy sa kiss ni Juan. Masusunog niya ang niluluto. Nilinaw niya sa kaniyang family na walang ibig sabihin ang kiss na yun. She assures them na wala nang namamagitan between them.
Isang gabi, magbibigay ng 24 house rules si Happy kay Juan. Maghahalikan lang sila sa harap ni Didith para hindi ito magduda sa kanila. Hindi rin sila pwedeng matulog sa iisang kwarto. No choice si Juan kung hindi umoo.
Samantala, tuloy pa rin daw ang plano nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero na magkaroon na ng baby next year. Feeling ng Kapuso actress, ito na ang tamang panahon para siya’y mabuntis.
Mas lalo raw na-inspire si Heart na maging mommy na dahil sa role niya sa Juan Happy Love Story. In fairness, mahilig naman talaga sa bata si Heart, in fact, hands on din siya sa mga pangangailangan ng kambal na anak ni Chiz at malapit na malapit din siya sa mga ito.