JRU babawi sa St. Benilde

Mga Laro Ngayon 

(The Arena, San Juan)
2 p.m. JRU vs EAC
4 p.m. St. Benilde vs Lyceum
Team Standings: San Beda (5-0); Letran (4-1); Mapua (3-1); Perpetual Help (2-2); EAC (1-3); JRU (1-3); Lyceum (1-3); San Sebastian (1-3); St. Benilde (0-5)

PILIT puputulin ng Jose Rizal University ang nakakadismayang panimula sa 92nd NCAA basketball tournament. Matapos na mabigo ng tatlong beses sa unang apat na laro ay makakasagupa ngayon ng JRU Heavy Bombers ang Emilio Aguinaldo College Generals umpisa alas-2 ng hapon sa The Arena sa City of San Juan.

Sa ikalawang seniors game, magtutuos naman ang Lyceum of the Philippines at College of St. Benilde na parehong masama rin ang umpisa sa kasalukuyang season. Ang Lyceum ay may 1-3 baraha at ang Benilde ay hindi pa nananalo sa limang laro. Tinalo ng Lyceum ang JRU, 69-66, noong Biernes.

Hindi natuwa si Bombers coach Vergel Meneses na ipinakita ng kanyang bataan noong Biyernes.
“Walang puso maglaro,” sabi ni Meneses. Gayunman, umaasa si Meneses na magpakita ng magandang paglalaro ngayon sina Tey Teodoro, Paolo Pontejos, Jordan dela Paz at ang mga Cameroonian na sina Abdul Razak Abdul Wahab at Abdel Poutouochi.

 

Read more...