INAMIN ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose na nasa “getting to know each other stage” na sila ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves.
Aniya, mas kinikilala pa nila ngayon ng aktor ang isa’t isa, pero tumanggi siyang lagyan ng label ang kanilang relasyon, “I’ll leave it at that! Ha-hahaha!” ang paiwas na sagot ng singer-actress sa ginanap press launch ng kanyang latest album titled “Chasing The Light” ng GMA Records.
“Basta po okey kami, we get along. Happy ako sa company niya and ganu’n din naman siya sa akin, eh. Eh kung ganu’n din naman po kasi siyempre du’n din naman po pupunta. There’s no need to rush kasi it’s important that you build a good foundation. Ayun po. Basta ayun,” ang sey ng dalaga.
Wala rin naman daw problema sa pamilya ni Julie Anne kung bigyan naman niya ng panahon ang kanyang lovelife dahil nasa tamang edad na rin naman siya plus the fact na graduate na rin siya sa kolehiyo sa kursong Mass Communications. Dagdag pa niya, hindi rin siya pinagbabawalan ng kanyang magulang.
Tatlo silang babae sa pamilya at si Japs nga ang panganay kaya hindi naiwasang itanong kung mas istrikto sa kanya ang ama, “He’s fine with it. Yung parents ko kasi they tend to be na really over protective. Especially si dad kasi lalaki siya, eh, so alam niya. At tatlo po kaming babae tapos panganay pa po ako. Parang mas strict po siya, mas overprotective. I just wanna make my parents proud,” aniya pa.
Nilinaw din ni Julie Anne ang isyu tungkol sa kanila ni Glaiza de Castro na na-link din kay Benjamin, balita kasing may silent war sila ngayon ng aktres.
“Yeah, I’m actually aware of it kasi may mga nagta-tag din na post sa akin. We’re totally okay and she even guested sa Sunday PinaSaya and okay naman po, wala naman pong problema sa amin,” ani Julie.
Sa tanong naman kung ano ba ang mga qualities na hinhanap niya sa isang lalaki, tugon ng dalaga, “Ayoko ring mag-set ng limits, ayoko mag-set ng idea about a guy kasi once you get to know the person, once you, kung baga parang kapag pumasok ako sa isang relationship importante na you get to know him first, diba?
“Saka ang importante po talaga may connection kay Lord. God-fearing, may respeto sa magulang. Sa akin, yung maiintindihan ako at yung seseryosohin ako,” aniya pa. Huling hirit naming tanong kay Julie Anne kung may iniyakan na ba siyang guy, “I think lahat naman po ng nagiging close natin like pag nagkakaroon ng feud o grievances, hindi po natin maiiwasang masaktan. Yes, it hurts na parang sayang. Pero ganu’n talaga eh, people come and go and you know it’s really inevitable.”
Samantala, mature and very personal daw ang bagong album ni Julie Anne na “Chasing The Light”, dalawa sa mga kanta rito ay siya mismo ang nag-compose. “It’s more mature in the way na nag-evolve ‘yung genre kasi before, country pop, eh. Now, it’s a little bit different. Yung nauna kong albums with GMA Records, parang medyo ballad. Itong ‘Chasing The Light’, parang closer siya sa ‘Forever,’ R&B-ish ‘yung atake,” aniya.
Mapapakinggan sa album ang “Don’t Make Me Wait”, “Naririnig Mo Ba”, “Chasing The Light”, “Not A Game”, “Never Alone”, “Take Me To Nirvana”, “Leftover”, “All About You”, “Just Stay” (bonus track), at ang acoustic version ng “Naririnig Mo Ba?” Available na ang “Chasing The Light” sa mga record bars at pwede ring i-download sa iTunes at iba pang online music stores.