Kris puring-puri ang AlDub sa ‘Imagine You And Me’

By Jun Nardo July 20,2016
share this

Kris puring-puri ang AlDub sa ‘Imagine You And Me’

By Jun Nardo July 20,2016
share this

KRIS AQUINO AT ALDUB

NAGLABAS si Kris Aquino ng capsule review sa Instagram account niya ng “Imagine You & Me” nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Napanood ng TV host ang movie ng AlDub sa Eastwood Mall. Ni-repost naman ito ng President ng Triple A na si Rams David na isa sa members ng management team ni Maine.

“Parang #GOT lang na medyo late ako pero ngayon fan…We went to watch #imagineyouandme (in Eastwood Mall because I wanted to check the pwesto of our next Potato Corner +Nacho. Bimby and I after watching the movie.

“1. I want to book a tour of Italy tonight. 2. The storytelling by Direk Mike Tuviera was warm and feel good. 3. My favorite DOP for TVCs Shayne Sarte was masterful in showcasing Lake Como. 4. W/ minimal scenes Jasmine Curtis Smith made me emphatize w/ her character. “5. Alden Richards is not just handsome but he radiates a good heart. And 6. Maine Mendoza is appealing because she made being on screen as Gara seem so light and effortless, magaan siyang panoorin. Congratulations to the whole team!” caption ni Kris.

Sa totoo lang, walang dudang super-mega hit ang “IYM”. Pero wag paniwalaan ang lumabas sa social media account ng isang blogger na umabot na sa P400,000 million ang kinita ng movie sa loob ng apat na araw dahil hindi opisyal ‘yon at walang pinaggalingan.

Hindi mayayabang ang producers ng pelikula upang maglabas ng ganoong kalaking kinita ng movie sa loob ng apat na araw. Tanging ang kinita sa first day ang opsiyal na lumabas.
Hintayin na lang natin ang resulta mula mismo sa mga producer dahil hindi naman ito maitatago, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending