Enrique sa love affair nila ni Liza: Walang label, yun na yun!

liza soberano at enrique gil

NAG-SURPRISE visit naman si Quen (Enrique Gil) sa programa namin ni partner Tara Grets.

Kahit maagang nagsimula ang Sunday ng guwapong aktor dahil sa ASAP at mga block screening para sa pelikula niyang “Dukot”, fresh na fresh pa rin ang aktor at masayang nakipagkuwentuhan sa amin. Napa-“I love you” na lang ito nang halos ikuwento ko na ang mga eksena nila sa “Dukot”, pati na ang mga latest kaganapan sa Dolce Amore na papasok na nga sa book 3.

Pero nasentro siyempre ang usapan namin sa naging rebelasyon niya kay Kuya Boy Abunda na girlfriend-boyfriend na ang level ng relasyon niya kay Liza Soberano. “Ganu’n din naman kasi. Doon na rin naman papunta, so putting a label is not so important. For as long as we are so comfortable, enjoying each other’s company, respect and love each other, yun na!” sey pa ni Quen.

Marami pa kaming pinag-usapan on and off air, pero sa susunod na isyu na lang ha, mga Ka-BANDERA!

Read more...