HINDI nakaligtas si Kris Aquino sa bashers matapos panoorin at purihin ang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na “Imagine You And Me”. Ibinalita kasi ni Kris sa kanyang Instagram followers na nagandahan siya sa AlDub movie. Kasama pa niyang nanood ang mga anak na sina Joshua at Bimby.
Siyempre, tuwang-tuwa ang AlDub Nation sa gesture ni Kris. Pero hindi natuwa rito ang ilang fans ni Enrique Gil. Bakit daw mas inuna pa niyang panoorin at purihin ang movie ng AlDub na ipinrodyus ng APT Entertainment at GMA Films kesa sa pelikula ni Enrique ng Star Cinema na kasabay ngang nag-showing ng “IYAM” last week?
Sey ng bashers kay Kris, parang harapang pambabastos naman daw ang ginawa niya sa Star Cinema na nagpo-produce ng mga pelikula niya, sana raw hindi na niya ibinandera ang panonood niya ng AlDub movie.