Marian, Dingdong unang nagpasabog sa Encantadia

By Ervin Santiago July 19,2016
share this

Marian, Dingdong unang nagpasabog sa Encantadia

By Ervin Santiago July 19,2016
share this

marian rivera at dingdong dantes

SIGURADONG naging maganda pagtanggap ng manonood sa unang pasabog ng Encantadia kagabi sa GMA Telebabad. Sa pilot episode pa lang ay puro malalaking eksena na ang ipinakita sa serye.

Ngayong gabi naman, sa pagsilang ni Mine-a (Marian Rivera) sa kanyang pangalawang anak, sabay ring mapapaslang ni Raquim (Dingdong Dantes) ang hari ng Hathoria (si Arvak played by Roi Vinzon)—at magsisimula na ang pagkakatotoo ng hula ni Cassiopea.

Para wala na muling matukso sa kapangyarihan ng mga brilyante, dadalhin ni Raquim ang mga ito patungong Lireo kung saan magiging ligtas ang mga ito. Ngunit hindi nila alam na may kakampi na ang mga Hathor sa mga dama ng Lireo—at nag-uulat ito diretso sa bagong hari ng Hathoria.

Hihimukin naman ni Asval (Neil Ryan Sese) si Raquim na angkinin na lang ang mga brilyante para ang Sapiro na ang maging pinakamakapangyarihang kaharian. Lalasunin ni Gurna (Vaness del Moral) ang isip ng batang Pirena laban kay Mine-a at sa kaniyang bagong-silang na kapatid.

Malalaman ni Hagorn (John Arcilla) na ipinanganak na ni Mine-a ang anak nila ni Raquim. Samantala, para makaganti kay Raquim, uutusan ni Hagorn si Gurna na paslangin ang anak ng lalaki kay Mine-a. Magkakagulo sa Lireo nang malaman ng mga Diwata na nawawala na ang bagong Sang’gre, hindi alam na kinuha na ito ni Gurna para paslangin.

Iisipin naman ni Mine-a na si Hagorn ang may kagagawan sa pagkawala ng anak niya kaya susugurin ng Ynang Reyna ang bagong hari ng Hathoria.  At magbabago naman ang kapalaran ng tagapagmana ng Sapiro nang ampunin siya ni Apitong at ng mga Mandirigma.

Uutusan ni Hagorn si Gurna na paslangin ang anak nina Mine-a at Raquim.
Magseselos ang batang Pirena nang makita ang buong pamilya ng bagong kapatid. Makukuha ni Apitong (Christian Bautista) at ng mga Mandirigma ang tagapagmana ng Sapiro: ang sanggol na papangalanan nilang Ybarro.

Magkakagulo sa Lireo sa pagdiskubre na nawawala ang sanggol na si Amihan. Papatayin ni Gurna si Amihan. Kasabay nito, susugurin ni Mine-a si Hagorn. Isusumpa ng reyna ang mga Hathor dahil sa pagtangka ni Hagorn na paslangin ang anak na si Amihan.

Sa mga susunod na episode ng Kapuso fantaserye, lalabas na ang mga karakter nina Glaiza de Castro (Pirena), Kylie Padilla (Amihan), Sanya Lopez (Danaya) at Gabbi Garcia (Alena). Ang Encantadia requel ay sa direkson ni Mark Reyes at mapapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending