Cook book ni Regine inilabas na; recipe ng mga stars isinama

regine velasquez

MAY bago na namang dapat subaybayan ang fans ng Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid: her very own book na may title na “Bongga Sa Kusina” na naglalaman ng iba’t ibang recipes na galing sa kanyang cooking show sa GMA na Sarap Diva.

Successful ang ginaap na book launching ni Regine kahapon sa Eastwood Mall kasabay ng kanyang book signing. Ang nasabing libro ay regalo niya sa kanyang fans para sa walang sawang suporta sa mahigit na 30 years niya sa showbiz. Tsika pa ng Songbird, nag-umpisa siyang magluto dahil gusto niyang ma-impress ang asawang si Ogie Alcasid.

“This all came about because I wanted to cook for my husband. Siyempre, being a new cook, mom, wife, you always try to find new dishes to cook for your family. Sarap Diva has really taught me a lot.  “Nu’ng lumalaki na si Nate I got busy with him, sabi ko tulungan na lang ako ni Chef Jonah, our resident chef. He is a big help for me. And so yung mga recipe na niluto ko dito tinuro niya sa akin pero once in a while I do my own twist,” ani Regine.

Kasama raw sa libro ang ilang recipes na niluto nila sa show pati na ang mga well-loved recipes ng ilang celebrities.  “These are the recipes that were cooked in the show. Yung iba ay recipe ng mga celebrities at yung iba kay Chef Jonah. And, this is actually four years of our lives together, my Sarap Diva family. There’s a lot of people involved in doing the cooking show kaya we are very excited with this cook book,” kuwento pa ng Songbird.

Read more...