Jessy tinawag na ahas ng ilang fans Angel

jessy mendiola at angel locsin

“HINDI ako ahas!” Ito ang ginawang pagtanggi ni Jessy Mendiola sa mga balitang siya na ang ipinalit ni Luis Manzano kay Angel Locsin.

Ayon kay Jessy, wala siyang inagaw kay Angel at sa pagkakaalam niya, break na ang dalawa nang ligawan siya ni Luis. Sa panayam ng ABS-CBN sa Kapamilya actress idinepensa niya ang sarili sa mga bashers na tumatawag sa kanyang ahas at mang-aagaw. Hindi raw siya ganu’ng klaseng babae.

“You know, honestly, if it were true, I wouldn’t be here right now facing you guys. For me, it was clear that they broke up already when Luis started courting me. Babae ako, it happened to me before. I wouldn’t do that to any other girl,” umiiyak pang pahayag ng dalaga sa nasabing interview.

Nagsimula raw siyang ligawan ni Luis noong Mayo, at kumalat naman ang balitang naghiwalay uli sina Luis at Angel noong January, 2016. Sey ni Jessy, sobrang sakit daw ang matawag na ahas. “It hurts kapag sinasabi nila na, for a lack of better term, ‘ahas’ ka. Labas ako sa kanila and what happened between the two of them. ‘Yung amin, I think dapat labas na rin siya doon.

“Malinis ang puso ko. I would never ever destroy a relationship,” dagdag pa niya. Wala rin daw siya sa posisyon para kausapin sina Luis at Angel na ayusin kung anuman ang problema ng mga ito. “Problema na nila ‘yun, kung gusto nilang mag-usap about it or clear anything with each other, I think that’s their problem. Pero huwag nila akong isasali,” ani Jessy.

Nag-sorry na raw si Luis sa kanya dahil nga sa pamba-bash na ginawa ng mga netizens. Kinumpirma rin niya na ginamit ni Luis ang kanyang Instagram account para ipagtanggol siya. “Alam kasi niya na masakit kapag ganu’n. Alam mo naman na hindi totoo and ‘yun ang sinasabi ng ibang tao. Hindi naman nila alam ‘yung whole story,” aniya pa.

Read more...