Sulat mula kay Eunice ng Quezon Avenue, Miputak, Dipolog City
Dear Sir Greenfield,
May crush po akong ka-classmate ko na tawagin na lang nating Arthur. Isinilang siya noong April 20, 1998, habang September 7, 1998 naman ang birthday ko. Itatanong ko lang kung may crush din kaya sa akin si Arthur at kung sakali ay darating kaya ang time na liligawan nya din ako at magiging boyfriend ko kaya siya? Siya kasi ang pangarap kong maging first boyfriend at sa tingin ko kasi nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang lalaking gusto ko makasama habambuhay.
Umaasa,
Eunice ng Diplog City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Guhit ng Romantikong Pakikipag-relasyon na nakatakdang mangyari sa panahong ding ito sa iyong palad, (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin basta’t lagi ka lang “magpa-cute” sa lalaking crush mo, darating ang saktong araw sa panahon ding ito ng tag-ulan, magkaka-crush na rin siya sa iyo ng kusa hanggang sa tuluyan ka na niyang ligawan.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Two of Hearts, at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.).
Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ding ito ng Hulyo hanggang Setyembre, habang pumapasok ang malakas na ulan at panahon ng manaka-nakang bagyo, hindi sinasadyang magkakasabay kayo sa iisang payong, sa sanda-ling ito kusa ka ng liligawan ng lalaking crush mo, hanggang sa mabuo ang isang masaya, romantiko at nakakikilig na relasyon.
Itutuloy….