Sunshine di ipinagdamot ang mga anak kay Cesar, pero pasimpleng nagtaray

 

BINIGYAN daw ng dagger look ni Sunshine Cruz si Cesar Montano nang aksidente silang magkita sa isang lugar.

Kasama ni Sunshine ang tatlo niyang anak at hinayaan naman niya itong lapitan ang kanilang ama. Ayun, kumalat sa social media ang photos nina Cesar at ang tatlo niyang anak. It’s been quite some time na hindi nagkita ang mag-aama kaya naman super saya ng actor sa kanilang hindi-inaasahang-pagkikita.

According to the grapevine, binigyan daw ni Sunshine ng dagger look si Cesar which we can’t believe. Hindi naman bitter si Sunshine, matagal na siyang naka-move on sa sinapit ng kanyang marriage sa actor. Ang chika, as a convo was posted in one popular website, waiting in vain daw si Sunshine na palapitin siya ni Cesar. Talaga lang, ha.

“Si sunshine mismo ang nagsabi na lumapit ang kids sa tatay. tapos ngayon may chicka na tiger eyes si mamashie? echoserang palaka kayo!” wailed one fan. “Kapg pinalapit masama si shine at kapag hindi pinalapit sasabihin nitong mga kapatid bitter at di pinalapit. San ka pa lulugar? Jusko po,” obserbasyon naman ng isang supporter ng aktres.

“Matagal ng nagising si sunshine sa katotohanan kaya nga nakipaghiwalay di ba? Ano yung iniimply ng camp nya na may gusto pa si sunshine? Sinong matinong babae ang mag-iistay sa isang relasyon where paulit ulit na mambabae yung asawa mo? Puwedeng pwede naman syang makahanap ng mas matino so bakit sya magtitiyaga sa babaerong asawa nya?” said another fan.

Read more...