MASALIMUOT pala talaga ang pinagdaanang buhay ng isang aktres sa kanyang nakaraang pakikipagrelasyon. Hindi pala ‘yun kasingbabaw ng dahilang ibinibigay niya kaya nagdesisyon siyang makipaghiwalay.
Bukod sa ginawang pa-ngangaliwa ng kanyang mister ay marami pa palang ibang dahilan na nagpadali sa pagkaputol ng kanilang relas-yon, mga dahilan na hindi na lang ipinagmakaingay ng female perso-nality, dahil sumentro siya sa pinakamatin-ding dahilan ng kanilang hiwalayan. Kuwento ng aming source, “Maraming-mara-ming dahilan, nakaka-shock kapag nalaman n’yo. Matindi ang naging sakripisyo ng girl para lang hindi sila magkahiwalay.
“Grabe, nagpaka-martyr ang girl na ‘yun para kahit paano, e, hindi sila magkahiwalay. Kaso, hindi na niya matiis ang lahat, meron na palang iba ang guy, du’n na nagsimula ang lahat. “Imagine, gumagawa ng desisyon ang lalaki nang hindi man lang ipinaalam sa babae? May kuneksiyon ang kuwento sa mga properties nila na nagugulat na lang ang girl, dahil naibenta na pala ng guy!
“Kaya hindi natin masisisi ang babae kung bakit kahit pangarap niyang magkaroon ng isang pamilyang buo, e, gumawa na siya ng paraan para makawala sa relasyon nila na wala namang kapupuntahan. “Aanhin nga naman niya ang buhay na walang direksi-yon? Nagsasama nga sila, pero wala namang respeto sa kanya ang guy, kaya maganda na rin ang ginawa niya,” kuwento ng aming impormante.
Tanggap na niya ngayon ang naging kapalaran niya sa poder ng lalaking minahal niya at piniling pakasalan. Bumangon na siya ngayon, nakikipaglaban, dahil alam niya na muling sisikat ang araw para sa kanya. Bradly Guevarra, sisikat ang araw, ha?