ITINANGGI ng opisina ni Sen. Leila de Lima na umupo siya sa tabi ni Herbert Colangco, na naunang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa isang triad na nagpapatakbo ng ng iligal na droga sa bansa.
Sa isang video na ipinost ng “Batang Maharlika” sa YouTube, makikita pa na inaawit ni De Lima ang ilang linya mula sa kanya ni Imelda Papin na “Bakit.”
Nang bumalik siya sa kanyang upuan, isang lalaki na nakasuot ng sunglasses ang makikitang nakaupo na halatang malapit sa kanya.
Maririnig naman ang voiceover sa video na nagsasabing: “Ayan po, ang protektor ng drug lord, kasama niya si Herbert Colangco…”
Sa isang pahayag, sinabi ng opisina ni De Lima, kuha ang video sa kanyang birthday party na ginanap sa Department of Justice (DOJ) quadrangle noong Agosto 2015.
Sinasabi rin sa pahayag na si Quezon City Rep. Alfred Vargas ang nakasuot ng sunglasses.
“The viral video showing Sen de Lima singing was actually taken during her own bday party at the DOJ quadrangle last Aug 2015. The person who was claimed to be drug lord Colangco is really Cong. Alfred Vargas, who was one of the guests. Others who attended were emcee Imelda Papin, Usec Jovy Salazar (shown at the foreground of the video), and DOJ employees,” sabi ng pahayag.
Iniugnay si Colangco sa maraming bank robbery sa Metro Manila at nakakulong sa maximum security compound of the New Bilibid Prisons simula noong 2009.
De Lima itinangging drug lord ang kasama niya sa kumalat na video
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...