Vice Ganda mas bumilib pa sa talent ni Aura: Ang taray mo talaga!!!

 

MAKAKASAMA ni Vice Ganda sa pelikula ang sikat na sikat na ngayong internet sensation na si McNeal “Aura” Briguela, isa sa mga nagpapatawa sa mga manonood sa Primetime Bida series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Aminado si Vice na naging instant fan siya ni Aura matapos niyang mapanood ang mga viral videos nito habang ginagaya ang mga sikat na eksena sa mga blockbuster Pinoy films. At dahil din sa kanyang mga nakakaaliw na video kaya nakuha siya sa Ang Probinsyano ni Coco Martin kung saan nakikipagbatuhan siya ng punchlines sa malalaking artistang kasali sa serye, pati na rin sa bagong child wonder na si Simon “Onyok” Pineda.

Natupad ang isang wish ni Aura na makilala nang personal ang idol niyang si Vice nang magkita sila sa It’s Showtime kamakailan. Mas lalo pang bumilib ang TV host-comedian kay Aura nang bigyan niya ito ng mga impromptu scenarios para gawan ng sarili niyang eksena at dialogues. Tawang-tawa naman si Vice sa bagets pati na rin ang studio audience.

Sey nga ni Vice sa bata, “Ang taray mo gumawa ng linya on the spot!” Excited na raw si Vice na makabatuhan ng punchlines si Aura sa gagawin nilang movie kung saan makakasama rin si Onyok. Hindi lang kami sure kung ito rin yung movie nila ni Coco Martin na isasali sa 2016 MMFF.

Read more...