Pia umuwi ng Pinas para makaharap si Digong
DUMATING na sa bansa kahapon ng umaga si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach mula sa New York City. Napaaga ang uwi ng Pinay beauty queen sa nakatakdang pakikipagkita niya kay President Rodrigo Duterte sa Lunes.
Umuwi si Pia sa Manila para makipag-meeting kay Digong tungkol sa posibleng pagdaraos dito ng 2017 Miss Universe pageant.
Nauna rito, inihayag ni Tourism Secretary Wanda Teo na pumayag na si Duterte na dito gawin sa Pilipinas ang Miss U pageant next year. Huling naging host country ang Pinas para sa Miss Universe pageant ay noon pang 1994.
Ang 25-year-old interior designer na si Maxine Medina ang magiging representative ng Pilipinas sa susunod na Miss Universe matapos magwaging Bb. Pilipinas-Universe kamakailan. Nangako ang dalaga na gagawin niya ang lahat para maging back-to-back win ang bansa sa nasabing international beauty pageant.
At sabi nga ni Sec. Teo, “It will be an honor for Pia to come back to the Philippines and crown her successor here.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

