HUWAG tayong maawa sa mag-amang ex-Vice President Jojo at ex-Makati City Mayor Junjun sa patong-patong na kasong isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.
Ang mga kaso ay graft, malversation at falsification of public documents.
Hindi kinakaawaan ang mga nangungulimbat sa kaban ng bayan.
Dapat nga ay plunder ang ikinaso sa mag-ama sa halip na graft, malversation at falsification.
Ang kasong plunder ay walang piyansa samantalang ang kasong isinampa sa kanila ay may piyansa.
Malaking pera ang ninakaw ng mga Binay sa taumbayan.
Kung yung mga taong maliit na halaga ang ninakaw ay nakakulong ngayon sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa, bakit hindi ikulong ang mga taong napakalaki nang ninakaw gaya ng mag-ama?
Magsilbing aral sana ang pagkakasakdal ng mag-amang Binay sa ibang mga taong naninilbihan sa gobyerno.
Dapat huwag na huwag silang tularan.
Ang mga kaso ay kaugnay sa pagpapatayo ng 11-palapag na Makati City Hall Building II na nagkakahalaga ng nakalululang P2.28 bil-yon.
Panahon ni Jojo nang sinimulan ang construction ng gusali at sa panahon naman ni Junjun nang matapos ito.
Mantakin n’yo, yung mga pribadong gusali sa Makati, na mas matataas at mas maganda ang di-senyo, ay hindi nagkakahalaga ng ganoon kalaki.
Isa lang ang Makati City Hall Building II sa patunay nang malakihang pangungulimbat ng mga Binay sa Makati.
Marami pang iba at mapupuno ang column na ito kapag binanggit lahat.
Pero bigyan ko kayo ng isa pang halimbawa: Lahat ng condominium buildings na itinayo sa Makati umpisa ng panahon ng panunungkulan ni Jojo bilang alkalde ay may unit na ibinibigay sa mga Binay nang libre.
At kapag hindi binigyan ang pamilya Binay ng unit sa condominium na itinatayo, hindi mabibigyan ang may-ari ng City Hall permit.
Kung ilan ang ilang condominium sa Makati ang itinayo, ganoon din karami ang mga units.
Di kalaunan ay hinihingi na raw ng mga Binay ang isang palapag (one floor) sa mga condominium na itinatayo.
Ganoon kagarapal ang pamilya Binay.
Dapat nilang pagdusahan ang kanilang pagiging garapal na magnanakaw.
Parang ginawa nila ang Makati City Hall na kanilang pribadong pag-aari.
Parang maliliit na addict ang sumusurender dahil sa matinding kampanya ng Duterte administration sa droga.
Wala pang mga artista at ibang showbiz personalities ang sumusuko sa awtoridad.
Maraming artista ang addict sa pinagbabawal na gamot.
At hindi lang mga artista; may naibalita sa akin na matataas na opisyal ng TV networks ay gumagamit ng cocaine.
Iniimbita raw ng mga executives ang mga talents at ibang empleyado ng network sa kanilang penthouse at doon ay nagko-cocaine session sila.
At pag-“high” na sila sa cocaine ay nagkakalantarian na sila.
Ang ulat na ito ay galing sa isang very reliable source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
