4 students inararo ng trak sa Legarda, Maynila

legarda

SUGATAN ang apat na college students na nabangga ng trak sa Concepcion Aguila st. sa Maynila kahapon ng umaga.
Ayon sa pulisya, nasa kritikal na kondisyon si Clarence Rey Ocampo, engineering student ng Technological Institute of the Philippines (TIP), sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Sugatan din ang mga estudyante ng National Teachers College (NTC) na sina Daphnie Lorenzo at Mica Francisco na dinala sa Mary Chiles Hospital. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ikaapat na biktima.
Sa kuha sa CCTV ng Brgy. 389, Zone 20, makikita na habang naglalakad sa bangketa ang tatlong estudyante ay sinuyod sila ng truck na may kargang buhangin.
Agad rumesponde ang mga barangay tanod at nakitang nakapailalim na sa gulong ng trak si Ocampo.
Sinabihan pa umano ng isang kagawad ang driver, na nakilalang si alyas Raffy, na ikambyo ang sasakyan para maialis sa pagkakaipit sa gulong ang biktima.
Matapos iyon ay bumaba sa trak ang driver at tumakas.

Read more...