Glaiza versus Kylie: labanan ng mga Sang’gre sa ‘Lip Sync Battle’ ng GMA

glaiza de castro at kylie padilla

BAGO ang pinakahihintay na pagsisimula ng Encantadia 2016, masasaksihan ang unang sagupaan nina Kylie Padilla bilang Sang’gre Amihan at Glaiza de Castro bilang Sang’gre Pirena sa entablado ng Lip Sync Battle Philippines ngayong Sabado ng gabi sa GMA.

Makikigulo rin ang dalawa nilang kapatid na sina Sanya Lopez (Sang’gre Danaya) at Gabbi Garcia (Sang’gre Alena) para tunghayan ang kanilang friendly ngunit matinding labanan.

Siguradong kaabang-abang ang magiging performances nina Kylie at Glaiza na ikamamangha ng Kapuso viewers. Sino kaya ang mag-uuwi ng Lip Sync Championship belt? Ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin o ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy?

Mapapanood ang Lip Sync Battle Philippines ngayong Sabado pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

Read more...