KINUMPIRMA ng Palasyo na tinanggihan ni dating pangulong Fidel Ramos ang alok ni Pangulong Duterte na siya ang ipadala sa China para makipag-bilateral talks kaugnay sigalot sa West Philippine Sea.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na idinahilan ni Ramos na siya ay abala sa pagsusulat ng kanyang libro.
Sa kanyang talumpati sa parangal na ibinigay sa kanya ng San Beda Law School sa Club Filipino, inihayag ni Duterte ang planong ipadala si Ramos bilang kinatawan niya sa pakikipag-usap sa China matapos naman ang naging desisyon ng United Nations International Tribunal na pumapabor sa Pilipinas kaugnay ng pinag-aagawang West Philippine Sea.
Tiniyak naman ni Abella na sakaling tuluyang hindi pumayag si Ramos, magtatalaga na lamang si Duterte ng ibang ipapadala sa China.
MOST READ
LATEST STORIES