Drug-free Caloocan

DALA ng dumating ang tabak, ang paghihiwalay. Sa tabak ay daranak ang dugo; sa paghihiwalay, ang away sa lipunan. Mas totoo yan sa nagmamalinis na diyus-diyosan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 1:10-17; Slm 50; Mt 10:34, 11:1) sa ika-15 linggo ng taon.

Walang maniniwala na drug-free ang Caloocan, ang tanging lungsod na magkahiwalay ang dalawang teritoryo. Mas lalong baliw ang maniwala na drug-free ang North Caloocan, dahil narito ang Balwarte at Dose, na mas matindi pa sa shabu tiangge sa Pasig. Sa Balwarte at Dose, pinapatay ang pumapasok na pulis at NBI agent. Para mapasok, kailangan ang tatlong six-by-six na SWAT, pulis at sundalo.

Sinasabing drug-free ang Caloocan dahil walang taksan-taksang sumusukong adik at tulak (kapag user, adik na rin; ilang beses ba siyang gumagamit?). Pero, kapag tinanong ang bawat Kap, may listahan na raw silang isinumite sa “kinauukulan.” Kanino? Kay mayor? Imposible namang kay Bato. Ang nagkakanlong ng mga adik at tulak, pati na ang mga batang hamog, ay ang mga purok leader. At Kap.

Karapatan ng kriminal o karapatan ng taumbayan kontra bangag? Kapag binato ng bangag ang bahay mo, o kotse, paiiralin ba ang karapatan ng bangag? Kapag ginahasa ng bangag ang misis mo, anak na babae o nanay mo, karapatan ba ng bangag ang maghahari? Sira ang ulo kung igigiit ang human rights ng bangag. De 5, para sa iyo ito.

Walang dapat ipagbunyi kung nanalo ang Pinas sa korte sa The Hague. Matigas ang ulo ng Intsik, na minana ng Pinoy. Mayabang ang Intsik, na minana ng Pinoy. Ogag at rantatads ang Intsik, na minana ng Pinoy. Matapang ang Instik, na di minana ng Pinoy. Duwag ang Pinoy dahil wala naman siyang ibubuga.

Hindi masama ang salitang Intsik. Naglabas ng anthology ang Anvil hinggil sa obra’t panulat ng mga Tsinoy isang dekada na ang nakalilipas. Sayang at hindi nasundan ito at walang Intsik 2 (o baka naman masamang pakinggan at sintono ng insekto). Iginagalang ng Pinoy ang lahat ng manunulat na Intsik. Pero, kapag nasa droga sila, vigilante rin ako.

Natutuwa ako sa napakalas na interes ng parishioners sa Bacoor, Cavite sa Divine Mercy. Tuwing Miyerkules ay dumadalo sila sa leadership training seminar sa National Shrine of the Divine Mercy sa Santa Rosa 1, Marilao, Bulacan. Nawa’y bago sumapit ang World Apostolic Congress on Mercy sa Enero 2017, ang bansa’y deboto na ng Banal na Awa ng Diyos. Natutuwa rin ako dahil ang Bacoor parishioners, ayon kay Ester Peranil (dating PIO officer ni Johnny Remulla), ay may interes sa exorcism, at tinanggap nila ang aking mga payo’t paalala sa pagpapalayas ng demonyo.

Kailan kaya kakalkalin ni Leni Robrero ang sanhi at ugat ng pagkamatay ni DILG Sec. Jesse? Hindi ba siya, hanggang ngayon, nagtataka kung bakit ibig ransakin ang kanyang condo unit sa kanto ng Morato at Scout Castor nang pumutok ang balita na bumagsak ang eroplano? Ang opisyal ng PNP na naroon ay isa sa mga idinadawit sa shabu at ang sibilyan ay malapit kay Aquino. Lulu Principe, heto ang sagot ko.

MULA sa bayan (0916-5401958): Ano ba ang CP# ni Bato? Paki text naman sa akin dahil gusto kong tulungan si Digong sa kampanya kontra droga. …7660. Tugon: itawag mo muna sa 117 hangga’t inaayos pa ang direct (text) line.

Kung puwede mo akong dalhin kay Digong, ituturo ko kung sino ang drug lord of lords sa Bulacan. …3211.

Read more...