Coco: Wala kaming malisya ni Maja sa isa’t isa!

COCO MARTIN AT MAJA SALVADOR

COCO MARTIN AT MAJA SALVADOR

PINAG-REACT si Coco Martin sa Instagram photo ni Maja Salvador kung saan nakitang magkasama sila sa swimming pool.

“Actually, masaya ‘yon, eh. Marami kami noon. Actually, hindi ko naman talaga intension na mag-swimming pero nahihiya naman ako dahil baka sabihin killjoy ako. Nakakatuwa na nakapag-bonding kami. Ang totoo, dating-dati pa ay malalim na ang pagkakaibigan namin ni Maja,” esplika ni Coco sa “Pasasalamat” presscon ng Ang Probinsiyano.

Bilib na bilib siya kay Maja kapag may mall tour ang FPJ’s Ang Probinsiyano.

“Kapag punung-puno ka na sa stage ay nadadala niya ako, eh. Kumbaga, sa sobrang galing ni Maja as an actress and as a performer, kahit sino ay madadala niya sa stage. Siyempre, nandoon kami para pasayahin ang mga tao. Nakakatuwa kasi nakapagbakasyon kami,” chika niya.

Of course he was asked kung ano ang real score sa kanila ni Maja, “Yung kami ni Maj, siguro matured ang friendship namin. Wala kaming malisya,” sagot ng binata.

Read more...