MADRAMA rin ang kuwento ng buhay ng tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto na ipinanganak noong Nob. 26, 1989. Gusto sana siyang ipa-abort ng kanyang ina dahil hindi na nito kaya ang pang-aabuso ng asawa, pero pinigilan siya ng lola ni Angeline at inampon na lang siya.
Bata pa lang ay mahilig na siyang sumali sa singing contests, madalas ay tumatakas pa siya para lang makasali. Minsan na siyang nanalo sa tatlong magkakaibang contest sa isang gabi lang. Naging isa siya sa grand finalist sa Star For A Night kung saan nanalo si Sarah Geronimo; nakipag-compete na rin siya kay Jonalyn Viray sa MTB: Teen Popstar kung saan itinanghal siyang winner. Pero ang talagang nagbigay sa kanya ng malaking break ay ang pagkapanalo sa Star Power: Sharon Search For the Next Female Superstar ng ABS-CBN.