Yeng kay Jay-R Siaboc: Tama ang desisyon mong sumuko! At nakakabilib si Digong!

YENG CONSTANTINO AT JAY-R SIABOC

YENG CONSTANTINO AT JAY-R SIABOC

BUMILIB ang mga kaibigan at ilang kasamahan ng dating Kapamilya singer-actor na si Jay-R Siaboc sa katapangan nito matapos sumuko sa pulis at amining isa siyang drug dependent.

Isa sa mga pumuri kay Jay-R ay ang batchmate niya sa dating reality singing search na Philippine Dream Academy na si Yeng Constantino. Si Jay-R ang first runner-up ni Yeng sa nasabing competition na umere sa ABS-CBN noong 2006.

Isa si Jay-R sa mahigit 200 drug suspects na sumuko sa Toledo Police sa Cebu noong Martes bilang bahagi pa rin ng anti-drug campaign ng nasabing probinsya, ang “Oplan Tokhang.” Nangako ang singer na hinding-hindi na gagamit ng ilegal na droga at magbabagong-buhay na.

“Una sa lahat, maganda ‘yung desisyon na ginawa niya dahil gusto niyang magbago na ng buhay,” ani Yeng.

Dugtong pa niya sa panayam ng ABS-CBN, “Pangalawa ‘yung realidad ng political will ni Digong (Pangulong Rodrigo Duterte) makikita mong ganito ang effect na mismong ‘yung mga taong alam nila na may mali silang ginagawa, sila na ‘yung kusang nagsasabi na ayaw na nila nito, ayaw na nilang gumamit ng droga.”

“Tama ‘yung ginawa mong desisyon at kasama mo kami sa likod mo diyan,” dagdag pa ni Yeng.
“Gusto mong magbagong buhay, alam namin. We will back you up with prayers at sana ay magka-connect tayo para magka-usap tayo very soon,” pagtatapos pa ng Kapamilya singer-songwriter.

Pag-amin ni Jay-R, “Nag-try lang naman ako pero hindi naman po ako na-addict. Gusto ko lang malinis ang pangalan. Hindi rin totoo na nagbebenta ako ng illegal na droga kaya sumuko ako sa mga pulis.”

Read more...