Manlolokong hunk actor ginawang sugar mommy ang ex-dyowang female celebrity

BLIND ITEM 0715

HANGGANG ngayon ay palagi pa ring bumibida sa mga kuwentuhan ang isang hunk actor na ang bintang ng kampo ng kanyang dating karelasyong aktres ay ipinaglihi sa mangga.

Manggang hinog na hinog daw, as in manggagamit, ang guwapong hunk actor na ilang buwan ding nakarelasyon ng young actress.

Ayon sa kuwento ay mahilig kunong magyayang mag-shopping ang guwapong aktor, pero hindi naman siya ang nagbabayad sa mga nagugustuhan niyang damit at sapatos, parang wallet na palaging punumpuno ng laman kuno ang tingin niya sa kanyang girlfriend nu’n.

Kuwento ng isang source, “Naku, tuwang-tuwa kaya ang mga kaibigan ni ____ (pangalan ng young actress) nu’ng mag-break na sila ng lalaking ‘yun! Paano, palaging butas ang bulsa niya!

“E, hindi na nga halos siya nakakabili ng mga sarili niyang kagamitan dahil sa boyfriend niyang sobrang bilmoko, e! Palaging siya lang ang may binibili, samantalang ang girl, e, walang naiuuwing kahit ano!

“Kasi naman, love na love niya ang boyfriend niya, handa nga raw niyang ibigay ang buhay niya para du’n sa guy, laman pa kaya ng wallet niya ang hindi?” napapailing na kuwento ng aming source.

Pero nang mahalata na ng young actress na datung lang ang habol sa kanya ng lalaki ay nag-isip-isip na siya, kailangan na niyang um-exit sa kanilang relasyon, na mabilis niya namang nagawa.

“Basta, hindi na lang niya kinakausap ang guy kapag tumatawag. Hindi na rin niya tine-text, hanggang sa tumigil na lang si lalaki sa pangungulit sa kanya. Parang langgam ang lalaking ‘yun! Kung saan nandu’n ang asukal, nandu’n din siya,” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, nakakaawa naman pala ang little friend mong itey, pareho lang sila ng kapangalan niyang sikat na female personality na matinding magmahal.

Read more...