Horoscope, July 15, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Malaking halaga ng salapi ang darating basta’t lagi ka lang mag suot ng kulay na pula at berde. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagmamahal, hindi matatapos ang buwang ito ng Hulyo aayon din sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Sandapha-Om.”
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipagrelasyon sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansyal, isang Leo ang makatutulong upang makaraos sa mga problemang may kaugnayan sa pera. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.” Bukod sa red ang purple ay buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag mahihiyang sabihan ang kasuyo na “magtipid ka naman!” Para din ‘yan sa ikauunlad ng inyong future at sa ikaka-stable ng aspetong pang-financial ng inyong pamilya. Hindi mo ba napapansin na kapag maraming pera ay mas masarap ang nagiging resulta ng romansa. Mapalad ang 6, 8, 21, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay upang lalo pang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, masarap at sopresang romansa ang hatid ng isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Adonai-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat tumunganga, panahon na upang magpakasipag upang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, isang Capricorn ang magbibigay sa iyo ng isang masagana at magandang future. Mapalad ang 1, 13, 25, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Panatiliin ang pagpapakumbaba upang makaiwas sa ibat-ibang intriga, Sa pag-ibig, isang kaibigan na naman ang lihim na maiinggit sa iyong kagandahan. Wag mo siyang intindihin, guguluhin lang niya ang nananahimik mong buhay. Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Dosya-Om-” Gold at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Yayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at doon ninyo pag-usapan ang inyong problema. Sa tahimik na lugar may magandang solusyong maiisip upang lalo pang mapaunlad ang kabuhayan at lalo pang uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 7, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang pagbabakasyon sa ibat-ibang lugar sa darating na summer 2017. Ibig sabihin, ngayon pa lang unti-unti ka nang mag-savings upang masigurado ang isang masarap na bakasyon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Green at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Walang mangyayari sa iyong buhay kung mananatili kang nag-iisa. Kasosyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang iyong kailangan. Sa pag-ibig, mas okay na ka-partner ang isang Cancer. Mapalad ang 7, 20, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag umasa sa biglang suwerte, umpisahan mo nang magsikap ngayon upang matupad ang pangarap mong yumaman. Sa pag-ibig, kung isang taong isinilang sa petsang 5, 14, at 23 ang iyong mapapangasawa, mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Gayatri-Om.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo ‘yan nang kusa at walang kahirap-hirap! Hayaan mong mangyari ang mga dapat maganap, wag kang kumontra sa agos ng buhay. Sa ganyang paraan sa bandang huli, malalasap mo rin ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 38, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Libra. Sa negosyo, wag na uling lokohin ang mga kliyente baka makahalata na sila. Mapalad ang 5, 13, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Orange at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayon ang pinakatamang panahon upang kumilos at magsimula ng bago. Sa negosyo, bagong kalakal ang dapat na may kaugnayan sa pagkain at lamang-dagat, tulad ng isda at iba pang kauri nito. Sa pag-ibig, wag hayaang makapanghina ng iyong loob ang pesimistang kasuyo na wala ng ginawa kundi ang mamintas. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Read more...