Album ni Sara Duterte joke lang

Sarah Duterte

ITINANGGI ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na nag-record siya ng album at ilalabas na sa merkado ang kanyang unang single na may titulong “Walang Forever”.
Unang nag-post si Sara ng litrato sa kanyang Instagram account kaugnay ng kanyang “recording” ng unang album.
“Recording my first solo album at Colang Recording Studio with my Phelps Dodge boss Ma’am Mercy. Please supoort my first single Walang Forever ?????? #singsingsing #dancedancedance #dancesinglovelive #goodvibes,” ang caption ng litrato.
Pero sa comments section ng istorya na inilabas ng Inquirer.net, sinabi ni Sara na isa lamang umanong biro ang kanyang ipinost sa Instagram.
Aniya, huwag daw seryosohin ang kanyang post at sinabing ang kanta ay inirekord ng isang preso.

Read more...