KAPWA itinanggi nina Vice President Leni Robredo at Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na nagkaroon sila ng sikretong pagpupulong matapos namang kumalat ang isang video kaugnay ng kanilang pagkikita.
Tinawag pa nina Robredo at Bautista na malisyoso ang video ng umano’y pagkikita nila para talakayin ang election protest na inihain ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Iginiit nila na kapwa sila inimbitahan sa isang party na dinaluhan ng 30 mga panauhin.
Makikita sa video sa Facebook page na “Dayaang Matuwid,” na magkahiwalay na dumating sina Robredo at Bautista sa isang condominium unit na pag-aari ng socialite na si Baby Cruz sa Urdaneta Apartments sa Makati, kamakalawa ng gabi.
“I attended a dinner party with maybe 40 guests. Comelec Chairman Bautista was there but I can’t remember discussing things with him. We just greeted each other but we did not talk,” sabi ni Robredo.
Idinagdag ni Robredo na kung totoo ang video, makikita sana ang aktuwal nilang pagpupulong ni Bautista.
“Very malicious,” dagdag ni Robredo.
Sinuportahan naman ni Bautista ang naging pahayag ni Robredo.
“It was a social gathering. The members of the diplomatic corps were there. We didn’t talk about politics… Nakapag-hi hello lang ako kay VP,” sabi ni Bautista.
Robredo, Bautista itinangging nagkaroon ng sikretong pagpupulong
READ NEXT
Duterte itinalaga ang singer na si RJ Jacinto bilang Presidential Adviser on Economic Affairs
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...