Babalik pa ba ang nambabaing mister?

Sulat mula kay Rose Anne ng Luyahan, Pasonanca, Zambonga City
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay may asawang nagta-trabaho sa isang telecommunication company at may dalawa kaming anak, ang problema ng madestino siya sa Luzon hindi nya na kami binalikan at sa darating na August 13 mag-iisang taon na po siyang hindi na umuuwi. Kaya sa ngayon ako lang mag isa ang bumubuhay sa mga anak namin. At sa ngayon may nanliligaw po sa akin ng isang matandang balo kaya ito sana ang gusto kong malaman. Kung babalik pa kaya ang asawa ko? At pangalawa, kung sasagutin ko na ang matandang balo na ito na isinilang noong February 1, 1969 ay magiging maganda kaya ang buhay ko sa piling niya at compatible po ba kami at kami na ba ang magsasama habang buhay? October 13, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Rose Anne ng
Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang may dalang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1 at 2.) sa iyong palad, ang una ay biyak na at magulo (arrow 1.) habang maayos at maganda naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin sa unang pag-aasawa sadyang mabibigo ka kaya malamang na hindi na bumalik ang asawa mong lumayas. Ngunit ang magandang balita sa ikalawang pag-aasawa, walang duda habang buhay ka ng liligaya.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, King of Hearts at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagmumungkahing sagutin mo na ang kasalukuyan mong manliligaw na balo, dahil sa ikalawang pag-aasawang nabanggit tiyak na uunlad, magiging maligaya at yayaman pa ang itatayo nyong pamilya.
Itutuloy….

Read more...