Pokwang sa mambu-bully sa anak: Naku, baka makapatay ako!

pokwang

PARA kay Pokwang, isang malaking convenience store ang kotse ni Melai Cantiveros.

“Eto ang nadiskubre ko kay Melai. Grabe, kalahati ‘yata ng kotse niya ang laman ay sitsirya. Umamin ka! Kaya yata ang ngipin niya hiwa-hiwalay ay dahil sa kakakain ng Potchi, eh, ginagawa niyang kanin. “Kapag inaantok na ako at gusto ko ng mangangatngat ay inilalabas niya ang kanyang sari-sari store.

Kasi ‘yung ibang artista ay nagdadala rin naman ng kutkutin pero ang sa kanya ay papunta na sa 7-11, eh. ‘Yun ang nadiskubre ko sa kanya,” pambubuking ni Pokwang sa presscon ng finale week ng We Will Survive.

“At isa pa, sobrang grabe ang tutok niya sa anak niya. Hindi naman lingid sa kaalaman natin ang naging issue sa anak niya. Sad to say nadamay ang bata na wala namang malay. Nakita ko kung gaano siya kaapektado sa issue.

“Well, kung ako rin naman bilang nanay papatayin ko ‘yun. Pero siya, ang husay niya kasi, naitatabi niya ‘yon. Control lang, tiis, matiisin,” she added. Likewise, bilib din siya sa leading man niya sa TV series na si Jeric Raval who shed off his action star image sa teleserye.

“Alam naman nating action star siya pero kapag may hinihingi ang director natin, for example medyo comedy ng konti. Alam nating medyo naiilang siya pero nagagawa niya because love niya ang career niya.  “Ang hirap kasi sa action star na papadramahin mo pero one time, umiyak siya. Ay, umiyak. Bumabaha (ng luha) ang lolo mo. In fairness naman, naka-deliver siya,” sey ni Pokwang.

Read more...