4 na Sang’gre ng Encantadia sumugod sa Davao at Cebu

encantadia cast

ILANG araw bago ang pilot airing ng Encantadia, tila mas lalo pang pinatindi ng pinakaaabangang GMA primetime series ang pananabik ng viewers sa pamamagitan ng matatagumpay na Kapuso Mall Shows sa Visayas at Mindanao.

Lumipad mula Maynila ang Kapuso stars na gaganap bilang mga Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro upang magbigay-aliw sa kanilang fans sa Davao at Cebu. Kasama pa nila ang mga gaganap na mandirigma sa serye na sina Rocco Nacino at Ruru Madrid.

Humigit-kumulang 6,000 Davaoeños ang nagsama-sama sa Gaisano Mall sa Tagum City noong June 26 upang mainit na tanggapin ang bida ng Encantadia stars. Hindi rin nagpahuli ang Cebu dahil noong sumunod na Linggo (July 3), 7,000 Cebuanos ang dumagsa sa South Town Centre sa Talisay City.

Ipinakilala ang mga aktor at ang kanilang gagagampanang karakter sa pamamagitan ng isang audio visual presentation. Pinakita rin ang teaser ng nasabing ground-breaking telefantasya. Buong-giliw namang nagpasaya ng fans ang mga Kapuso star.

Sa Davao, ipinakita ni Kylie bilang si Amihan ang ganda ng kanyang boses sa kanyang mga tagahanga sa Cebu. Tinutukan naman ng mga manonood sa dalawang mall shows ang song number ng bagong Alena na si Gabbi. Pinasaya rin ni Sanya, ang bagogn Danaya sa Encantadia, ang mga taga-Tagum City sa song at dance number niya.

Palaban din gaya ng karakter niyang si Pirena ang performance ni Glaiza sa kanilang Davao at Cebu mall show. Hindi rin siyempre nagpahuli ang mga Kapuso hunk na sina Rocco at Ruru with their breathtaking performances para sa audience.

Bago ang mga mall show, isang press interview ang naganap sa pagitan ng Encantadia cast at ng local press ng Davao at Cebu. Kasama nilang humarap sa media ang director ng serye na si Mark Reyes.

Read more...