Enrique kay Liza: Boyfriend-girlfriend na kami!

liza soberano at enrique gil

KUNG si Enrique Gil ang tatanungin, kahit walang label ang relasyon nila ng ka-loveteam na si Liza Soberano, naniniwala siyang “girlfriend” na niya ang dalaga.

Ito ang ipinagdiinan ng Kapamilya actor sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kamakailan nang tanungin kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ni Liza. “Well para sa akin we treat each other like boyfriend and girlfriend, so yeah, we’re boyfriend and girlfriend,” ang diretsong pahayag ng binata.

Alam na rin daw kasi ng kani-kanilang pamilya kung anong meron sila ni Liza, pinayagan na siya ng tatay ng dalaga na manligaw at botong-boto naman sa kanya ang parents ng kanyang ka-loveteam. “For me, that’s how we treat each other (magdyowa na). Her parents never really said na, ‘Okay, puwede na kayong maging boyfriend-girlfriend.’ Walang ganoon. Pero we treat each other like we really are talaga so parang ganoon na rin para sa akin it’s the same thing na eh,” hirit pa ni Enrique.

Sa tanong kung anong quality ni Liza ang talagang nagustuhan ng kanyang mommy, tugon ni Quen, “I think because she balances me out. Like more than the previous girls that my mom has met. Feel ko she’s like my mom. Yung whatever na ayaw ng mom ko that I do, Liza’s in the same page as my mom.  “Minsan people say that it’s good to have similarities with your loved one, pero it’s also good to have somebody that balances you and makes you a better version of yourself. That’s what she is,” dagdag pa nito.

Inamin din ng binata na kapag hindi sila magkasama ni Liza palagi silang nagpe-Facetime, “Almost every night ‘yun pag nasa bahay kami or malayo sa isa’t isa.” Dagdag pa ni TenTen (karakter niya sa seryeng Dolce Amore), mas malambing daw ang dalaga kapag silang dalawa lang ang magkasama.

Read more...