Alessandra gaganap na nanay ni Xyriel sa MMK

xyriel manabat at alessandra de rossi

MAPANGAHAS na gagampanan ni Alessandra de Rossi ang papel ng isang inang lalaban para maisalba ang buhay ng anak na hinostage ng kanyang mismong asawa sa isang makapigil hiningang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi hosted by Charo Santos.

Bata pa lang si Emily (Alessandra) nang iniwan sila ng kaniyang ama. Dahil sa masamang karanasan na iyon, ipinangako ni Emily sa kaniyang sarili na hindi dapat maranasan ng kaniyang mga anak ang kanyang sinapit.

Subalit sa kasamaang palad, iniwan si Emily ng kaniyang unang asawa pagkatapos niyang ipanganak ang unang anak na si Cheska (Xyriel Manabat). Matapos ang ilang taon, makikilala ni Emily si Larry (Joem Bascon) hanggang sa mahulog nga ang kanilang loob sa isa’t isa. Magpapakasal sila at susubukan muli ni Emily na magkaaroon ng isang buong pamilya.

Magkakaroon sila ng dalawang anak, sina Rose (Alora Sasam) and Chona (Joan Bugcat). Masaya na sana si Emily sa kaniyang buhay hangga’t noong nalaman niya na nalululong na pala si Larry sa droga. Isang araw, habang nasa labas si Emily, pumasok si Larry sa bahay at hinostage si Cheska. Paano ito haharapin ni Emily?

Kasama rin sa upcoming episode na ito ng MMK sina Maris Racal, Maureen Mauricio, Rez Cortez at Zarah Mae Dilegoro. Ang episode na ito ay sa direksyon ni Dondon Santos at sa panulat ni Nikki Bunquin. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nitong si Malou Santos.

Samahan ang MMK sa patuloy na paggawa ng mas magaganda at mas inspiring pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Read more...