PATULOY ang pamamayagpag ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na Born for You, dahil bukod sa nationwide ratings, umarangkada rin ito sa social media sa pangunguna nito sa “Social WIT List” ng worldscreen.com bilang pinakapinag-usapang bagong programa sa buong mundo noong buwan ng Hunyo.
Ayon sa World Screen, isang 31-year-old publication na nagbabalita sa media companies sa buong mundo at sumisiyasat ng iba’t ibang global media trends, humakot ng kaliwa’t kanang papuri sa online world ang pagbubukas ng seryeng pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador at nakapagtala ng libo-libong tweets mula sa netizens.
Bukod sa Born For You, kasama rin sa listahan ang “Adventures in Baby Sitting” ng Disney Channel, “Greenleaf” na produced ng world-renowned host na si Oprah Winfrey, at iba pang palabas mula sa mga bansa ng UK, Brazil, France, at Turkey.
Huwag palampasin ang teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang Born For You, gabi-gabi pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN.