Mataas na net trust rating ni Duterte patunay ng suporta ng publiko- Palasyo

rodrigo duterte

IKINATUWA ng Palasyo ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nakakuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng 74 net trust rating.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) head Secretary Martin Andanar na nagpapatunay lamang ito na suportado ng mga Pinoy ang mga aksyon ni Duterte.

“It’s a positive sign and very encouraging to know that the people trust the judgment, decisions and actions of the President. The mandate is clear, the government cannot stop what it has started,” sabi ni Andanar.

Ito’y matapos makakuha si Duterte ng excellent trust rating sa survey ng SWS para sa second quarter kung saan 84 porsiyento ng mga respondent ang nagsabi na sobra ang tiwala nila sa bagong Pangulo, limang porsiyento ang nagsabi na konti lamang ang tiwala nila at 11 porsiyento ang undecided o kabuuang net trust rating na 79 porsiyento.

Read more...