Male singer nambabara ng reporter, pero di naman daw bastos at suplado

BLIND ITEM MALE 0708

MARAMING naiilang sa isang male singer. Mukhang suplado kasi siya, parang mahirap lapitan, parang babarahin ka lang niya kapag kinausap mo siya.

Kahit ang kanyang mga katrabaho ay naiilang din sa kanya, hindi kasi siya palakibo, magsasalita lang siya kapag kinausap mo. Ganu’n siya kasuplado sa paningin ng mas nakararami. Kahit naman nu’ng nagsisimula pa lang ang male singer ay ganu’n na ang kanyang imahe, nambabara siya ng mga reporters, parang gusto niyang palutangin na siya ang pinakamagaling na singer sa balat ng lupa.

Pinatunayan ‘yun ng source na nakakatrabaho ng male singer na umaarte-arte rin, sa kanilang set ay ganu’n din ang kanyang dating, suplado na mahirap pakisamahan na ewan. “Sa mga eksena lang niya lumalabas ang boses ni ______ (pangalan ng singer-actor na may kasupladuhan), kapag wala siyang take, wala siyang kibo. Basta, hindi siya nagsasalita.

“‘Yun! Kapag may kausap siya sa phone, du’n mo lang maririnig ang voice niya. Pero mahina lang siyang magsalita, kundi mo nga siya kilala, e, sasabihin mong pipi siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante. Maraming nagtatanong kung paano tumatagal sa singer-actor ang kanyang misis na ang imahe naman ay masyadong galawgaw. Kinakausap daw kaya niya ang aktres sa kanilang bahay?

Komento ng source, “Oo naman! Kapag silang dalawa lang ang magkasama, e, nagsasalita naman siya! Madaldal din naman siya! Puwede ba siyang hindi magsalita, e, napakadaldal ng wife niya? “Bradly Guevarra, naturalesa na niya ang pagiging tahimik, pero hindi naman siya bastos at suplado, pramis!” pagtatapos ng aming source.

Read more...