SAMANTALA, husay, liksi at diskarte lang ang kailangan para mabago ang buhay, dahil sa Minute To Win It, maaaring maging milyonaryo sa loob ng isang minuto. Sa pagbabalik ng pinaka-exciting na game show sa bansa ngayong Lunes (July 18), dala nito ang mas pinasaya at mas nakakakabang challenges na lalo pang magpapanalo sa bawat pamilyang Pilipino.
Sa bawat Lunes at Miyerkules ng linggo, pitong players – iba’t ibang celebrities at personalities mula sa iba’t ibang larangan at maging ordinaryong Kapamilya Players – ang magbabanggaan sa limang challenges na walang time limit at gamit ang mga ordinaryong bagay na makikita sa bahay.
Ang matitira rito ay didiretso sa Head-to-Head Challenge sa Martes at Huwebes, kung saan magkakatapat silang muli sa limang challenges. Ang player na siyang makakakuha ng pinakamalaking cash prize ang maglalaro sa Ultimate Challenge, kung saan magkakaroon siya ng chance na makuha ang jackpot prize na P1 milyon.
Pagtatagpuin naman sa Tuesday at Thursday ang winners para sa Head-to-Head Challenge sa Biyernes. Mula sa magkalabang dalawang players na ito, muling kukunin ang player para sa “Ultimate Last Man Standing.” Kaya sa isang linggo, maaaring umabot sa P2 milyon ang mapapanalunan ng maswerteng player kapag nanalo siya sa dalawang Ultimate Challenges.
Buena manong maglalaro sa unang episodes ng Minute To Win It sina Richard Yap, Jericho Rosales, Maja Salvador, Coleen Garcia, Melai Cantiveros, Eric Nicolas at Kapamilya player Marjan Nassiri sa Hulyo 18 at 19.
Huwag palampasin ang Minute To Win It simula ngayong Hulyo 18, mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN, bago mag-TV Patrol.