SA Biyernes at Sabado na ng gabi ang muling paghataw ng “Gary V. Presents” concert na gaganapin sa KIA Theater, Araneta Center Cubao, Q.C., at 8 p.m..
Due to public demand at kasabay na rin sa pagdiriwang ni Gary Valenciano ng ika-33 anibersaryo sa industriya at gayundin ang 30th anniversary ng kanyang management company na Manila Genesis kaya muling mapapanood ang “Gary V Presents.” Ikaapat na installment na ito ng show ni Mr. Pure Energy na naunang gawin sa Resorts World, sinundan sa Dipolog City at ngayon nga sa KIA Theater kasama ang 11 bagong singers/artists as guests.
Kabilang na nga riyan sina Allan Silonga ng all male vocal group na Daddy’s Home at X-Factor Philippines season 1 top finalist, world music singer na si Bullet Dumas, award-winning theater actress Carla Guevarra-Laforteza, ang mga produkto ng The Voice na sina Mitoy Yonting, Janice Javier, RJ dela Fuente at Timmy Pavino, ang Star In A Million season 2 grand finalist na si Jimmy Marquez, Suklay Diva Katrina Velarde, classical-pop singer Lara Maigue, singer-songwriter Abby Asistio at ang bunsong anak ni Gary na si Kiana Valenciano.
Ayon kay Gary pinili niyang makasama sa show niya ang mga baguhan para mapanood ng publiko ang husay nila sa entablado. Samantala, bilang pasasalamat sa mga fans ni Gary ay magkakaroon ng memorabilia exhibit sa Activity Center, Level 1 ng Gateway Mall ang singer-TV host na aabutin hanggang Hulyo 16, Sabado.
Kasama sa memorabilia exhibit ang mga tropeo ni Gary, costumes na ginamit niya sa iba’t ibang concerts, magazine covers, concert and movie posters, merchandising materials tulad ng Gary V. mugs, t-shirts, notebooks, never-before-seen photos, vintage vinyl, cassette records, CDs at marami pang iba.
Ang concert ay ididirek ng mag-amang Gary at Paolo Valenciano and for the benefit of scholarship at diabetes programs ng Shining Light Foundation. Speaking of Paolo, magiging lolo na si Gary sa Oktubre o unang linggo ng Nobyembre dahil manganganak na ang asawa ng panganay niya. Pero ayaw pang magpatawag ng lolo, grandfather o lolo-daddy ng singer-TV host.
Pakiusap pa ni Gary, “Please, make the world know that lolo does not apply to me, okay? It’s Papi, P-A-P-I, why? Because when my mother who is a Puerto Rican, nu’ng pumunta rito ‘yung grandfather ko, hindi niya maintindihan ang lolo dahil he only could speak Spanish, he could not understand grandpa or grandfather.
“But every time we called him Papi, he (grandfather) would give us his attention, so that’s how I’d like to be called, so it’s Papi Gary V,” paliwanag niya.