Dick Israel bumisita sa selda nina Jinggoy at Bong: Walang iwanan!

jinggoy bong at dick

NAKAKATUWA ang mga eksenang naganap sa detention cell nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla sa sa Camp Crame nitong nagdaang weekend.

Napagbigyan ang isa sa mga hiling ng veteran character actor na si Dick Israel na mabisita sa kanilang selda ang dalawa niyang kaibigan. Kumalat sa social media ang picture nina Jinggoy at Bong kasama ang isa sa favorite nilang sidekick na si Dick Israel.

Sabi ni Sen. Jinggoy sa kanyang FB post, “Isa sa pinakamagaling na character actors na nakatrabaho ko. Salamat sa pagdalaw sa amin ni bong. Si dick israel hindi si amay bisaya. Hehehe!” Sa t-shirt naman na suot ni Dick Israel na bigay ng dalawang aktor ay may nakasulat na, “Bong Jinggoy walang iwanan, kaibigan ng bayan.”

Nakakatuwa ring malaman na bumubuhos na ngayon ang tulong para kay Dick mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz. Nasunugan ang veteran actor kamakailan na ikinatupok ng kanilang tahanan at mga kagamitan.

Read more...