Petron, RC Cola magtutuos

Mga Laro Ngayon (FilOil Flying V Center)
4 p.m. Petron vs RC Cola-Army
6 p.m. Cignal vs Standard Insurance-Navy
Team Standings: F2 Logistics (4-0); RC Cola-Army (3-0); Petron (3-0); Foton (2-2); Standard Insurance-Navy (1-2); Generika (1-3); Cignal (0-3); Amy’s (0-4)

ISA ang madudungisan at isa ang mananatiling malinis sa inaasahang mainit sa salpukan sa pagitan ng RC Cola-Army at nagtatanggol na kampeon na Petron Tri-Activ Spikers sa 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena in San Juan.

Magsasalpukan ganap na alas-4 ng hapon ang Tri-Activ Spikers at Lady Troopers na kapwa asam ang ikaapat na sunod na panalo para samahan ang F2 Logistics sa ibabaw ng team standings sa torneo na suportado ng KLab Cyscorpions, Asics, Grand Sports, Mikasa, Mueller at Senoh.

Magsasagupa naman sa ikalawang laro ang mga wala pang panalong Cignal at Standard Insurance-Navy ganap na alas-6 ng gabi.

Read more...