Ex-cong kakasuhan sa ng Ombudsman sa pork barrel scam

Ombudsman Morales

Ombudsman Morales

Kakasuhan ng Office of the Ombudsman si dating Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino kaugnay pork barrel fund scam.

     Inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng dalawang kaso ng Malversation at dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Antonino sa Sandiganbayan.
     Kasama ni Antonino sa mga kaso sina dating Agriculture Sec. Arthur Yap, Alan Javellana, Rhodora Mendoza, Encarnita Cristina Munsod, Maria Ninez Guañizo,  ng National Agri-Business Corporation.
      Kasama rin sina Marilou Antonio, kinatawan ng Buhay Mo Mahal Ko Foundation, Inc. at Carmelita Barredo ng C.C. Barredo Publishing House.
     Noong Enero 2007 ay sumulat umano si Antonino sa Department of Agriculture upang ibigay ang bahagi ng kanyang pork barrel fund sa NABCOR, bilang implementing agency, at BMMKFI na siyang non-government organization partner.
     Ang proyekto ay pamimigay ng livelihood training kits project.
     Noong Marso 2007 ay bumili ang BMMKFI ng mga LTK sa C.C. Barredo sa halagang P2,000 bawat isa. Kumuha ito ng 7,275 sets ng kit na may kabuuang halagang P14.55 milyon.
     Kinabukasan ay na-deliver na umano ang LTK sa Roxas Boulevard.
     Sa imbestigasyong isinagawa ng Ombudsman lumalabas na wala umanong natanggap na LTK ang mga lokal na opisyal ng Nueva Ecija.
     Kulang din umano ang mga dokumento sa pagpapatupad ng proyekto. Hindi rin umano ito dumaan sa public bidding.
     “The evidence established that respondent public officers conspired with private respondents in this disreputable scheme to defraud government coffers,” saad ng desisyon. “In a Congressional Pork Barrel System, including the PDAF, it is the legislator who exercises actual control and custody of the PDAF share allocated to him.”

Read more...