Dominic: Ngayon hindi lang Matronix ang lumalapit sa ‘kin, pati mga bata na!

dominic ochoa

KUNG meron mang mami-miss si Dominic Ochoa sa nalalapit na pagtatapos ng superhero serye nilang My Super D, ‘yan ay walang iba kundi ang masaya nilang set at ang bonding moments nila sa taping.

Isang linggo na lang mapapanood ang My Super D sa Primetime Bida ng ABS-CBN, at aminado si Dominic na ngayon pa lang ay inaatake na siya ng matinding kalungkutan, but at the same time, maligayang-maligaya din siya dahil napakaganda ng pagtanggap ng manonood sa unang pagbibida niya sa teleserye.

Sa last taping day ng My Super D ay nakausap ng entertainment press si Dominic kung saan napaiyak pa ang aktor habang kaharap ang mga reporter.  Aniya, tears of joy daw ‘yun dahil sa suporta at tiwala na ibinigay sa kanya ng mga tao at ng Dreamscape Entertainment na naniwalang kaya niyang gumanap na superhero.

“This is our last taping day but it was a good experience given to us by Channel 2 and Dreamscape. Actually, natutuwa ako dahil lately pag lumalabas tayo, hindi na matroniks (matrona) ang lumalapit sa atin, kundi mga bata na,” simulang pahayag ni Dominic.

Hirit pa nito, “I think it’s a very big factor also for me as an actor and my responsibility bilang isang artista na gumaganap na superhero, yung mga bata tinitingnan ka talaga as a superhero. “So, napakaimportante yung responsibilidad ko bilang si Super D na magpamahagi ng magandang asal sa mga bata especially.

It’s been a good five and half months of taping and working with good actors. “And I’m very, very thankful and so blessed na mabigyan ng ganitong klaseng role. Sino nga ba ang mag-aakala na magiging Pinoy superhero rin ako na minahal din ng mga Pilipino,” sabi ni Dominic.

Isa pang hindi malilimutan ng Kapamilya actor ay ang pagpapa-picture sa kanya ng mga batang tumatawag sa kanya ng Super D. “Nu’ng magpunta nga ako sa Tanay, may nadaanan ako na batang papasok pa lang siguro sa eskuwela.

“Yung bata talagang…kung makita n’yo lang yung hitsura nung bata parang, ‘Sino yung nagmamaneho ng kotse?’ Kasi I drive, e. I don’t have a driver. “Parang, ‘Sino yung nagmamaneho? Si Super D yun!’ Parang yung mukha niya kung mababasa mo lang nakakatuwa na tingnan.

Well, I’m always thankful. Every time I see the kids, every time may nagpapa-picture, whole-heartedly talagang nandodoon ako. “Tumitigil ako. I came from the munisipyo ng Muntinlupa yesterday and iba rin. Grabe! Pero iyon lang ang tanging pasasalamat mo e, to stop and just magpa-picture ka.

Kasi kung dadaanan mo lang sila and kakawayan mo, walang mangyayari e. “I think iyon lang ang tanging pasasalamat ko sa kanila, to stop and say, ‘Maraming salamat!’” pahayag pa ni Super D.
At dahil kino-consider niyang biggest blessing ang pagganap niya ng superhero sa TV, balak niyang magpagawa ng sariling Super D costume, “Yes, sobrang memorable to the point na I actually want a suit at ipapaeskaparate ko sa loob ng bahay ko.

I mean let’s be realistic here, maraming role na puwedeng ibigay sa atin—rapist, magnanakaw, kontrabida—but at 42 years old to be axact, kailan ka mabibigyan ng role ng superhero? “Di ba parang ang malasakit ko na lang dito, may isa akong pamangkin, anak ng sister-in-law ko, hindi ako pinapansin noon. Pinapansin pero hindi yung ganu’n.

Pero ngayon, ‘Uncle Dom, Super D, Super D!’ Talagang iba yung effect. And ako, I have a four-year-old kid na natutuwa rin kay Super D. That’s why I’m thankful for this show,” sey pa ni Dominic. Samantala, kailangan n’yo raw abangan ang finale ng My Super D (bago mag-TV Patrol) para malaman kung pwede talagang magkaroon ng lovelife ang isang superhero at kung may happy ending ang love story nila ni Nicole (Bianca Manalo).

Kasama pa rin dito sina Marco Masa, Sylvia Sanchez, Myrtle Sarrosa, at marami pang iba.

Read more...