AlDub mawawasak nang dahil sa mga traydor na fans

alden richards

Isang tulog na lang at ipalalabas na ang unang solong pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na kinunan sa Italy. Maganda ang kanilang trailer, mapang-imbita, kaya hindi imposibleng magkaroon ng interes ang ating mga kababayan para masilip ang kanilang palabas.

Kasabay na rin ng pagpapalabas ng kanilang pelikula ang unang taong anibersaryo ng kanilang loveteam. July 16 nang ipanganak ang kanilang tambalan, naging matagumpay ‘yun dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga, malaki ang naitulong sa kanila ng tatlong sikat na lola ng kalyeserye.

Maraming nagtatanong kung ano na ba ang estado ng personal na buhay nina Alden at Maine, sila na ba talaga, sa loob ba nang isang taon ay wala pa ring namamagitan sa kanilang dalawa? Simple lang ang palagi nilang sagot, “Basta happy po kami kapag magkasama,” kaya ibig sabihi’y hindi pa rin sila magkarelasyon hanggang ngayon.

Hindi pa nagaganap ang wish ng kanilang mga tagahanga na maging sila na, nasa pagiging close friends pa lang ang kanilang samahan hanggang ngayon, kung kailan sila magiging magkarelasyon ay sila lang ang nakakaalam.

Hindi ibang tao ang sisira sa loveteam, ang magiging dahilan ng pagkawasak nu’n ay ang mga tao mismong nasa loob, dahil sila ang nag-aaway-away. Sila-sila ang nagsisiraan, ang nagpapatutsadahan, may mga tagahanga ang AlDub na hindi nagmamalasakit sa kanila.

Read more...