WALANG puknat ang pagsasalvage sa mga drug pusher at drug dealers kaya’t marami nang sumusuko na drug pushers at drug addicts sa buong bansa. Sa Central Luzon, 7,000 drug addicts at drug pushers ay sumuko sa mga otoridad, ayon kay Chief Supt. Aaron Aquino, Central Luzon regional police chief.
Sa Tagum City, Davao del Norte, 4,000 na mga durugista at nagtutulak ang sumuko noong Linggo. Napuno ang City Hall gym ng Tagum dahil sa dami ng sumuko. Sa Manay, Davao Oriental, isang maliit na bayan na maraming mga adik-adik ng shabu, binaril ng di mga kilalang lalaki si Framil Manatad, isang suspected drug pusher ng bayan.
Sa Lucena City, pinabulaanan ni Mayor Roderick Alcala na siya’y sangkot sa illegal drug trade sa Quezon province. Binigay ng mayor ang pahayag matapos ang ulat na siya’y nagpapatakbo ng illegal drugs distribution ng kanyang tiyuhin na si Cerilo “Athel” Alcala. Si Athel Alcala ay kapatid ni dating Agriculture Secretary Proceso Alcala.
Kapag nagpatuloy ang pagsasalvage sa mga drug pushers, dealers at drug lords, tiyak na mababawasan ng malaki ang pagkalat ng shabu. Lalo pang mababawasan pagkalat ng pinagbabawal na gamot kapag nawala ang mga malalaking drug lords na nasa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa.
Ang mga hari ng mga drug lords na sina Herbert Colangco at Peter Co, na nasa loob ng NBP ang nagpapatakbo ng malalaking sindikato ng droga sa bansa. Dapat din siguro ay kalawitin (isalvage) na rin ang mga opisyal at guwardiya ng NBP na nagbibigay proteksiyon kina Colangco at Co.
Sina Colangco at Co ay buhay-hari sa loob ng bilangguan. May sarili silang mga kuwarto na may aircon, refrigerator at iba pang karangyaan na nakikita lamang sa mga mayayamang tahanan. Pinalulusot din ng mga guwardiya ang mga babae, alak, cellphone at maging mga shabu sa mga mayayamang preso.
Sina Colangco at Co ay madaling makapag-order ng mga artistang babae upang sila’y paligayahin sa buong magdamag. May balak ang gobiyerno ni President Digong na palitan lahat ang mga guwardiya sa NBP ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF).
Sa gayon ay wala nang dahilan pa upang makalusot ang mga ipinagbabawal na gamit sa gates ng NBP. Maraming mga bagong guwardiya ang may magagarang kotse at nakatira sa malalaking bahay. Kailangan usisain ang mga guwardiyang ito kung saan nanggaling ang kanilang pera.
At para huwag na silang tularan ng iba pang guwardiya sa mga araw na hinaharap, kailangan siguro silang mawala na rin sa mundo. Isang pulis sa Bulacan ang natagpuang patay na may karatulang nakasabit sa kanyang leeg: “Police pusher, huwag tularan.” Ang pulis na pinatay ay nakauniporme pa.
Ipinakita ni Pangulong Digong ang simple at mapagkumbabang pamumuhay para sa mga opisyal at kawani ng gobiyerno. Umuwi ang Pangulo sa Davao City lulan ng Philippine Airlines jet na nasa economy class. Bago siya’y sumakay ng eroplano, pinasailalim ni Mano Digong ang kanyang sarili sa security checks sa airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
