NANINIWALA na nga-yon ang mga kababayan natin sa isang lugar sa Norte na totoo nga ang mga kuwentong kumakalat tungkol sa kamalditahan ng isang female personality.
Kung ang kanyang mga interbyu lang kasi ang mapapanood ay puwede pang sabihin na kuwento-kuwento lang ang mga kapintasan ng aktres, banayad kasi siyang magsalita, malam-bing pa at palaging nakangiti. Pero kahit saan siya magpunta ay isa lang ang napapansin ng ating mga kababayan, parang takot na takot siya sa tao, parang natatakot siyang magalusan na ewan.
Nu’ng minsang maimbitihan bilang judge sa isang beauty pageant sa isang bayan sa Norte ang magandang aktres ay palagi siyang nakasima-ngot. Naisip na lang ng mga miron na nami-miss na siguro niyang masyado ang kanyang boyfriend na aktor kaya siya ganu’n.
Kuwento ng aming source, “Alam niya namang public figure siya, alam niya namang matao sa pupuntahan niya, di sana, prepared na ang sarili niya sa ingay at sa mga tagaroon na magpapa-picture sa kanya. “Hindi yata niya alam na isa ang pakikipag-picture taking sa mga binabayaran sa mga artista kapag naiimbitahan sila sa mga probinsiya, e!
“Ano naman ang gagawin niya du’n, basta mauupo lang? Natural, may mga kakamay sa kanya, may bebeso, may magpaparetrato! Pero palagi siyang nakasima-ngot, para siyang nababahuan sa paligid niya. “Palagi siyang ganu’n, mabait lang siya sa harap ng mga camera, pero sa personal, maldita ang babaeng ‘yun!” kuwento ng aming impormante.
Bradly Guevarra, alam mo bang because of her, e, maraming kababayan natin sa lugar na puntahan niya ang nag-uwian na lang kesa sa manood sa beauty pageant?
Gets mo na kung sino siya?