Makakapunta ba sa Australia? (2)
Sulat mula kay Lorie ng Tubod, Carmen, Davao del Norte Problema: 1. Dati na akong nag-abroad sa Hong Kong bilang D.H. for almost five years at naka-ipon naman ng konting pera, pero ayaw ko na magbalik doon, dahil may invitation ako sa nga-yon galing sa pinsan kong OFW din na nasa Australia. Sabi nya sa akin mag-aplay daw ako sa Australia at tutulungan nya daw akong makapunta don. Pero kailangan daw munang mag-Hong Kong muli ako at pag nandon na ako mas madali na daw akong makakarating ng Australia. 2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung sakaling bang mag Hong Kong uli ako totoo kaya matutulungan ako ng pinsan ko na makapunta sa Australia? At nasa guhit kaya ng palad ko ang makarating ako sa Australia? July 28, 1983 ang birthday ko. Umaasa, Lorie ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi matatapos ang taong ito ng 2016 kung mag-aaplay ka na ngayon sa Hong Kong, madali kang makaka-alis, upang pagkatapos, paglipas ng isa o dawalang taon pa, sa tulong ng kaibigang isinilang sa zodiac sign na Aries, makapagkaa-Australia ka na. Numerology: Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa edad mong 33 pataas, lalong bubulas ang gaganda ang iyong kapalaran sa larangan ng paglalakbay at materyal na bagay, kung saan, hindi lang Australia ang mararating mong bansa, maaari ka ring makapag-Canada. Luscher Color Test: Upang mas madaling palarin at mas mabilis na mapitas ang magandang kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na dilaw, puti, gray at silver. Sa nasabing mga kulay, lalo pang aaliwalas at gaganda ang iyong kapalaran sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Huling payo at paalala: Lorie ayon sa iyong kapalaran, sumunod ka lang sa pinapagawa sa iyo ng pinsan mong nasa Australia. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2016, makapagho-Hong Kong ka, upang paglipas ng isa o dalawang taon pa, sa 2019, sa edad mong 36 pataas, tuloy-tuloy ka na ring makapagka-Australia at pagkatapos naman nito ikaw din ay makapagka-Canada at sa nasabing bansa, ang kapalaran mo ay tuloy-tuloy na ring uunlad at sasagana hanggang sa yumaman na rin ng tuluyan na nakatakda namang maganap sa edad mong 49 pataas sa taong 2032.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
