Pokwang minulto ni Wenn Deramas: Sobrang miss na miss ko na siya!

pokwang at lee obrian

PINAKAMAAGANG dumating sa launching ng libro ng yumaong Box Office director na si Wenn Deramas ang isa sa mga pabortio niyang komedyana na si Pokwang. Kasama nitong dumating ang kanyang American actor boyfriend na si Lee O’Brien.

Sobrang miss na raw ni Pokie si Direk Wenn. Wala na raw nangungulit sa kanya at nagbibigay ng advise ngayon. Lagi raw kasing nakatutok sa Facebook account niya si Direk Wenn noong buhay pa ito. “Kapag may mga pinost ako sasabihin niya, ‘Sino’ng umaaway sa ‘yo? Sino’ng mga kyeme-kyemeng ‘yan?’ Hayaan mo sila.’ ‘Naku, huwag mo ngang pinag-iintindi ang mga ‘yan. Maging masaya ka. Binigay mo na lahat ng gusto nila. It’s about time ikaw naman ang masaya.’ Mabilis mag-react ‘yun. Nakaka-miss lang sobra,” buntong-hininga ni Pokwang.

“Direk 2 Da Poynt” ang title ng libro ni Direk Wenn under VRJ Books, the new publishing label of VIVA Communications, Inc. Mahigit dalawang taon ginawa ang libro ni Direk Wenn and the last project he completed right before his sudden passing last February. Hindi raw niya malilimutan si Direk Wenn dahil ang Box-Office director ang nagdirek sa kauna-unahan niyang comedy-series titled Maid In Heaven. Last project naman nila ang comedy-horror movie from Viva Films na “Wang Fam.”

“Pangalawa, ‘yung lagi niyang sinasabi sa akin na, sa lahat ng babae ikaw ang lalaki. Kasi si Direk Wenn kapag inokray ka niya ibig sabihin gusto ka niya,” natatawang sabi ni Pokie. Pangatlo, noong nalaman daw ni Direk Wenn na buntis siya, sobrang nag-aalala sa kalagayan niya ang yumaong director, “‘Yung, ‘Gusto mo ba iusog muna natin schedule ng shooting? Ipahinga mo ‘yan kasi sa edad mo kailangan bed rest,’ ganyan-ganyan. “Kapag natuloy ‘yan, kapag babae, gagawin natin ang ‘Bakekang.’ Si Kristal daw, ganoon siya. Kaya nagtatawanan kami sa set, ganoon. ‘Siyempre, ikaw si Bakekang. Huwag kang umarte. Tapos ang anak mo si Kristal,’ sabi niya.”

Si Direk Wenn daw ang unang-unang nalungkot nang bonggang-bongga nu’ng malaman niya na nawala ang baby sa sinapupunan ni Pokwang. “Kasi e, minsan nga, masakit man sabihin pero totoo, hindi ko siya kamag-anak, hindi ko siya kadugo pero siya ‘yung unang-unang umintindi ng sitwasyon ko,” aniya pa. Bago raw siya pumunta sa launching ng “Direk 2 Da Poynt” ay nagparamdam sa kanya si Direk Wenn.

“Kanina lang, noong naliligo ako bago pumunta dito. Kasi maaga akong naligo e, siyempre, kailangan muna akong humugot ng mga pambahay. T-shirt, duster, kung anuman ‘yan. Sa rami ng mahuhugot ko ‘yung t-shirt na ‘Wang-Fam’ pa na pinamigay niya noong last day ang nakuha ko. Sabi ko, ‘Oo, darating ako. Huwag kang magulo,” lahad pa niya. Speaking of Facebook, tinanong namin si Pokwang kung bakit “in civil union” ang nakalagay na status niya sa kanyang account.

“Wala ‘yun,” kibit-balikat ni Pokwang. “May inasar lang ako doon, isang stalker na nakaraan ko sa buhay. ‘Yung fudrix (father) ng mga anak ko.” Ayaw isipin ni Pokwang na gusto siyang balikan ng Japanese father ng anak niyang si Mae at noong isa pa niyang anak na lalaki na namatay na, “Ay, no. Tumigil siya,” diin niya. “Siguro gusto lang niyang makibalita, ganoon, tsu-tsu.”

Read more...