Jessica hinanting ang lalaking laging agaw-eksena sa video ni Duterte

jessica soho at rodrigo duterte

NGAYONG gabi naman, ipagdiriwang ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang iba’t ibang uri ng pag-ibig.

Marami man ang nagulantang, marami rin ang nagdiwang sa paglantad ng asawa ni Joey Mead na si Ian King bilang isang trans woman. Ang car enthusiast at tagapagmana sa motel chain ng kanilang pamilya, ngayon ay kilala na bilang si Angeline Mead King. Sa kabila nito, nananatili pa rin ang wagas na pagmamahalan nina Joey at Angeline. Ngayong Linggo, sisilipin ng KMJS ang iba pang mga relasyon na bumabali sa nakagawian ng lipunan pero magpapatunay na sa huli, pag-ibig pa rin ang mananaig.

Sa Daet, Camarines Norte, biniyayaan ang mag-asawang Irene at Rey ng triplets. Pero dahil sa hirap ng buhay, triple rin ang kanilang kalbaryo sa pag-aalaga sa kanilang triplets na sina Andrew, Brian at Christian. Mabuti na lang at mula nang nag-viral sa social media ang kanilang kalagayan, nagsisimula nang bumuhos ang mga tulong.

Samantala, may isang 65 taong gulang na lola raw mula Cebu ang kung makapag-Zumba ay wagas. At sino nga ba ang lalaki na laging agaw-eksena kapag nahahagip ng kamera sa mga pagtitipon kung saan naroon si Presidente Duterte?

Tutok na sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo pagkatapos ng Ismol Family sa GMA.

Read more...